“Bukas nang muli ang Aklatang Balmaseda sa Publiko!”
Ang Aklatang Balmaseda ay isang espesyal na aklatan na tumutugon sa mandato ng KWF hinggil sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Nangangalaga itó ng mga aklat pangwika, pangkultura, pampanitikan, at iba pang mahalagang koleksiyong Filipiniana. Ipinangalan itó sa dating direktor ng Institute of National Language…
