Araw ng Pagtatapos sa Bahay-Wika

Idinaos noong 18 Mayo 2024 ang Amak Uhap Awlung Pagtatapu (Araw ng Pagtatapos sa Bahay-Wika) ng
ika-6 na batch ng mga bata sa Bahay-Wika at mga Apprentice sa Master-Apprentice Language Learning
Program (MALLP) sa Bangkal, Abucay, Bataan. Mayroong 18 batang Ayta Magbukun na nakapagtapos sa
Bahay-Wika ngayong taon at anim na mga magulang (apprentice) na Ayta Magbukun na natuto ng
kanilang katutubong wika. Naidaos ang programa katuwang ang Provincial Government ng Bataan sa
pamamagitan ng Provincial Tourism Office at Cultural Heritage and Preservation Division.


Ang Bahay-Wika at MALLP sa Bangkal, Abucay, Bataan para sa wikang Ayta Magbukun ay ang kauna-
unahang Language Immersion Program para sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika ng Pilipinas.


Sinimulan ito noong 2018 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagsusumikap ng
komunidad na mapasigla ang paggamit ng kanilang katutubong wika at dahil na rin sa pagtutulungan ng
ibaโ€™t ibang institusyon ng pamahalaan gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino, Pamahalaang Lalawigan ng
Bataan, Pamahalaan Bayan ng Abucay, at DepEd-Bataan.