MAYNILAโPormal na nilagdaan ngayong 4 Hulyo 2024 sa Tanggapan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Memorandum ng Unawaan ng Bangsamoro Transition Authority-Parliament (BTA-Parliament) at KWF na magtataguyod ng pagsasalin sa wikang Filipino at ibang pang katutubong wika, pati na rin ng iba pang gawaing pangwika sa BARMM.
Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ng KWF, sa pamamagitan ng Sangay ng Salin nito, ang mga pagsasanay sa pagsasalin at balidasyon ng pagsasalin para sa BTA-Parliament.
Pangunahing makatutuwang ng KWF ang Legislative Technical Affairs and Information Services (LTAIS) ng BTA-Parliament na nangangasiwa sa mga gawaing pangmidya, pagsangguni sa batas, pagsasalin, at interpretasyon na makatutulong sa mga kasapi ng parlamento.
Kapuwa nagpahayag ng suporta at pagtataguyod ng mga gawaing pangwika sa BARMM sina Tagapangulong Arthur P. Casanova ng KWF at Engr. Abdulgani L. Manalocon, Direktor ng LTAIS.
Kasama rin sa lagdaan sina Bai Fairuz B. Candano, Punรฒ, Translation and Interpretation Division ng LTAIS; Dr. Carmelita C. Abdurahman, fultaym na Komisyoner ng KWF; at John Enrico C. Torralba, punรฒ ng Sangay ng Salin ng KWF.
Magindanรกwon, Mรซranaw, Yรกkan, Irรกnun, Sebwano, Arabic, Ingles, at Filipino ang ilan sa mga wikang sinasalita sa BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (PR/KWF)