Matagumpay ang Bridging the Language Barries: Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM) na ginanap noong 8-10 Hulyo 2024 sa Lungsod Davao sa pamumuno ni Engr. Abdulgani L. Manalocon, MBA, JD, Direktor II at Bai Fairuz B. Candao, Punò, Translation and Interpretation Division ng LTAIS.
Pinasalamatan ni Engr. Manalocon si Tagapangulong Arthur P. Casanova sa suporta ng KWF sa kanilang programa kabilang sa capacity building na kanilang ginagawa at sa pagkakasakatuparan ng Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan (MOU) .
Umaasa rin si Engr. Manalocon na mapagyayabong pa ang relasyon ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM) at KWF.
“Ako po’y taos pusong nagpapasalamat para sa patuloy na gabay at inspirasyon na kusa ninyong ibinibigay sa amin. Makakaasa po kayo na ang mga aral at teknik na aming natutunan mula sa naging pagsasanay na inyong pinangunahan bilang resource speaker, ay siya naming gagamitin sa pang araw-araw naming tungkulin,” pagbabahagi ni Bai Fairuz B. Candao.
Ipinahayag naman ni Nor-ain I. Lambitan, Legislative Staff Officer II ng LTAIS, Translation & Interpretation Division na isang malaking suporta sa kanilang dibisyon ang pagbibigay ng pagsasanay ng KWF sa Paghahanda ng Korespondensiya Opisyal (KO), Ortograpiyang Pambansa (OP), at Introduksiyon sa Pagsasalin para sa mga Empleado ng Pamahalaan.
Dumalo sa pagsasanay ang iba’t ibang tagasalin ng iba’t ibang wika kabilang ang wikang Maguindanaon, Filipino, Arabic, Yakan, Tausug, Mëranáw.
Ang matagumpay na Panlalawigang Seminar sa Korespondensiya Opisyal (PSKO) ay naisagawa sa puspusang pakikipag-ugnayan ni Gng. Pinky Jane Tan Santelices-Tenmatay, Senior Language Researcher at sa pamumuno ni G. Jomar I. Cañega, Punò, Sangay ng Impormasyon at Publikasyon (SIP). (KWF)