Nagtungo ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 28 Setyembre–5 Oktubre 2023 sa pitong (7) katutubong pamayanang kultural (indigenous cultural community o ICC) ng Bukidnon upang humingi ng pahintulot na makapangalap ng datos para sa pagsasapanahon ng impormasyon hinggil sa kanilang katutubong wika. Ipinaliwanag nila sa pitong (7) ICCs ang proyektong pananaliksik ng KWF hinggil sa pagsasapanahon ng mga impormasyon sa Mapa ng mga Wika ng Pilipinas. Malugod namang pinahintulutan ng pitong (7) ICCs ang pananaliksik na isasagawa ng KWF.
Ang pitong ICCs sa Bukidnon ay ang Tigwahanon, Talaandig, Higaunon, Bukidnon, Umayamnon, Matigsalug Manobo, at Manobo na may iba’t ibang subgroup katulad ng Pulangiyen.
Naisakatuparan ang gawaing ito sa tulong ng Pambansang Komisyon sa Katutubong
Mamamayan o NCIP-Bukidnon, NCIP Manolo Fortich Community Service Center, at NCIP Talakag Community Service Center.