Dost 10 Joins Multi-Agency Coordination Meeting for the Establishment of Seafarers Hub in Cagayan de Oro City

On August 26, 2025, Engr. Ruel Vincent C. Banal represented DOST-10 in a coordination meeting organized by OWWA on the establishment of the Seafarers Hub in Cagayan de Oro City.

The Seafarers’ Hub will be a physical one-stop center where sea-based OFWs and their families can access services while waiting for deployment, training, or documents. Patterned after the first hub in Manila, it will be open 24/7 and offer rest areas, free Wi-Fi, charging stations, food and drinks, legal aid, and basic health services like check-ups. It will also host training and skills programs to protect seafarers’ rights and support their development. The hub, proposed to be built in Cagayan de Oro City proper, will extend these benefits to seafarers in Northern Mindanao.

In support of this initiative, DOST highlighted its program specifically designed for OFWs.The IFWD PH Program is one of the reintegration pathways for seafarers and their families, providing training, consultancy, and innovation funding to help them establish sustainable livelihoods. At present, there are returning OFWs in Northern Mindanao that were assisted under this program.

DOST 10 Nakibahagi sa Multi-Agency Coordination Meeting para sa Pagtatatag ng Seafarers Hub sa Cagayan de Oro City

Noong Agosto 26, 2025, kinatawan ni Engr. Ruel Vincent C. Banal ang DOST-10 sa isang coordination meeting na inorganisa ng OWWA hinggil sa pagtatatag ng Seafarers Hub sa Cagayan de Oro City.

Ang Seafarers’ Hub ay isang pisikal na one-stop center kung saan makakakuha ng serbisyo ang mga sea-based OFWs at kanilang pamilya habang naghihintay ng deployment, training, o mga dokumento. Hango ito sa unang hub sa Maynila, at magiging bukas 24/7. Magkakaroon ito ng mga pahingahan, libreng Wi-Fi, charging stations, pagkain at inumin, legal na tulong, at mga pangunahing serbisyong pangkalusugan gaya ng check-up. Magsisilbi rin itong venue para sa mga training at skills programs na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga seafarer at suportahan ang kanilang pag-unlad. Ang hub, na nakatakdang itayo sa mismong lungsod ng Cagayan de Oro, ay magpapalawak ng mga benepisyong ito para sa mga seafarer sa Northern Mindanao.

Bilang suporta sa inisyatibong ito, binigyang-diin ng DOST ang kanilang programang nakalaan para sa mga OFW. Ang IFWD PH Program ay isa sa mga reintegration pathways para sa mga seafarer at kanilang pamilya, na nagbibigay ng pagsasanay, konsultasyon, at pondo para sa inobasyon upang makatulong sa pagtatayo ng pangmatagalang kabuhayan. Sa kasalukuyan, mayroon nang mga returning OFWs sa Northern Mindanao na natulungan sa ilalim ng programang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *