ISANG bagong TV program tungkol sa barangay ang sisimulang ipalabas sa Hunyo 15 sa IBC 13. Ang βBagong Barangay ng Mamamayan in Actionβ ay mapapanood tuwing Huwebes, simula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at sina Cong. Rodante Marcoleta at Dept. of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Felicito βChitoβ Valmocina ang magiging host. Ang programa ay tatalakay sa mga suliranin at bagay-bagay sa barangay. Inaasahang aani ito ng maraming manonood lalo naβt nalalapit na ang barangay election ngayong taon.