Patuloy na isinusulong ng Public Attorney’s Office (PAO) sa rehiyon ng MIMAROPA ang mandato nitong makapagbigay ng “Katarungan Laban sa Kahirapan.”
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas na isinagawa sa Oriental Mindoro noong Martes, Agosto 27, ibinahagi ni Regional Public Attorney Marlon E. Buan ng PAO-MIMAROPA ang mga programang isinagawa at accomplishment na napagtagumpayan ng kanilang ahensya sa nakalipas na mga taon.
“As mandated, the Public Attorney’s Office shall be the government’s principal office in extending free legal assistance to indigent persons through its 14 district offices in the region,” pahayag ni Buan.
Dagdag pa ng direktor na simula ng umupo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Hunyo 2022 hanggang ngayong Hunyo 2024 ay marami na ang naipagkaloob na serbisyong legal ng kanilang ahensya sa mga kwalipikadong mamamayan sa rehiyon. | By Romeo A. Mataac, Jr.