Binuksan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 2023 Deaf Awareness Week na may temang โPagsulong ng Ligtas at Ingklusibong Edukasyon: Filipino Sign Language at iba pang Paraan ng Komunikasyon Tungo sa Isang Matatag na Kinabukasan.โ Ito ay ginanap noong Nobyembre 10 sa Bulwagang Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino, sa lungsod ng Maynila.
Ang pagbubukas ng selebrasyon ay dinaluhan ng ibaโt ibang kinatawan mula sa Philippine School for the Deaf, Pambansang Sanggunian Ukol sa Ugnayang Pangmaykapansanan, Kagawaran ng Paggawa at Empleo, Newborn Hearing Screening Reference Center, Philippine Registry of Interpreters for the Deaf, De La Salle-College of Saint Benilde School of Deaf Education and Applied Studies, Kagawaran ng Edukasyon, Public Employment Service Office, at Metropolitan Trial Court-Branch 45.
Nagpasalamat si Kom. Benjamin M. Mendillo, Jr. sa ibinigay na oportunidad sa KWF para sabay-sabay na gunitain ang Linggo ng Kamalayan sa Bingi sa Bansa at naniniwala siya na ang FSL ay masigla, matatag, at bahagi ng lingguwistikong kultural ng Pilipinas.
Ang KWF ang natatanging ahensiyang pangwika na may mandatong mangalaga ng mga wika sa Pilipinas, at taong 2020 ay naglunsad ang Kalupunan ng mga Komisyoner ng isang Kapasiyahan na kilalanin ang Filipino Sign Language na isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas.